Hi. Feel free to read and comment on my posts. Just be nice. Suggestions are also accepted. Title or Topic suggestions Anyone?

Friday, July 26, 2013

Madness In Me

         “Everyone has their own demons. Some just don't show it.” Oo nga naman. Well, hindi ako sure, pero ito pagkakaintindi ko sa mga salitang yan. Lahat tayo may kanya kanyang dark side, hindi nga lang pinapakita ng iba. HAHA sana tama.
            Bawat isa sa atin, may kanya kanyang degree of anger, may mga taong madaling magalit sa pinakasimpleng paraan, yun bang makanti mo lang ng kaunti eh galit kaagad, inis na kaagad, aawayin ka na kaagad. SENSITIVE. Mayroon ding mga nakakapagtimpi hanggang sa huling hininga pero take extra precautions dahil yung mga taong ganito yung kapag nagalit eh parang Mt. Krakatoa na sasabog ng sobrang lakas at bigla ka na lang lalamunin ng nagbabagang magma na lumalabas. Grabe po yun. Nakakatakot, sabi nga nila, makakakita ka ng demonyo naglalakad sa mundong ibabaw.
            Maraming dahilan kung bakit nagagalit ang isang tao, pwedeng dahil nakita nila ang taong mahal nila na masayang masaya sa iba, diba sobrang nakakaewan nun? Yung tipong sa labas, nakangiti ka pa sa kanila, pero sa isip mo pinapatay mo silang dalawa. (Yeah, At ganyan ako. Kaya ikaw, wag kang kalan -.-“). Minsan naman, kahit walang ginagawa yung tao, naiinis ka sa kanila, totoo yan, ramdam na ramdam ko yan, yun bang mga taong makita mo pa lang eh sirang sira na yung araw mo, yung mga taong gusto mong pagbabatuhin ng mattalim na kutsilyo. Nakakainis diba? HAHA (Another thing, ganito ako. Kaya wag kang pagala gala, baka mapadali buhay mo).
            Kung may iba’t ibang dahilan para magalit ang isang tao, mayroon ding iba’t ibang paraan kung paano magalit ang bawat tao. Simulan natin sa pinakaworst. Yung mga Masochist type, sila yung mga taong pag nagalit eh halos patayin ang sarili. Yung mga iba diyan, sinasabunutuan yung sarili, inuuntog ang ulo sa pader, o kinukurot ang sarili, ang violent diba? HAHA Ganyan ako eh, pag nagagalit ako, nagwawala, sinasabunutan sarili, inuuntog. May mga tao naman na kapag nagalit eh pinagbubuntunan ang ibang bagay o tao, yung iba nananakit ng iba para lang mailabas yung galit, yung iba naman naninira ng gamit. Ganyan din po ako. Kaya wag niyo kong gagalitin. HAHA. May mga tao naman na kapag galit eh kung anu anong salita ang namumutawi sa bibig. Yung pati ata kampon ni satanas eh binging bingi na sa mga masasamang salitang lumalabas sa bibig niya. HAHA Nakakatakot yun promise. Mayroon pa! Di pa tapos! Yung mga taong slight kung magalit, yung sa umpisa ng galit nya eh sobrang intense, pero mga 5 or 10 minutes, happy happy na ulit. Masayang kasama mga taong ganito, pero nakakainis din kapag sobra na, yung mga tipong galit, bati, inis, bati, tampo, bati. Nakakaewan diba. Bipolar po? xD Oh, inip ka na ba? Meron pa wait, sulitin mo na pagbabasa mo. Yung ibang tao naman, dinadaan sa pag iyak, yung magkukulong sa kwarto o sac r para iiyak lahat ng galit sa puso nila, hanga din naman ako sa kanila eh noh? Hindi nila naiisip na sasakit lang at mamaga ang mga mata nila sa kakaiyak nila, pero okay din, atleast walang masyado or grabeng side effect. xD Pero eto na ata ang pinakadabest, yung mga taong, dinadaan sa ngiti or fake smile ang bawat galit or batong matigas na hahagis sa kanila. Yah. Sabi nga, The best way to kill your enemy is to hug them so tight that they could hardly breathe. Yow. Joke lang. Eto na talaga, the best way to kill your enemy is to make him your friend. xD Yeaah. Saludo ako sa mga taong ganito. J

            Yow, masyado na bang mahaba? Sobra na ba? Teka, isasarado ko na ang bukal ng kaalaman xD titigil na ko. O sya, alam kong nagsisisi kayo ngayon na pinag ubusan niyo ng oras ang pagbabasa nitong gawa, pero, haha, wala kasi akong mapagbalingan eh, kesa magwala ako dito sa bahay at sabunutan at iuntog (yow, nagawa ko na kanina) ko ang sarili ko, ginawa ko na lang to. Sana naman nag enoy ka neh? Balik ka uli ah? xD