Sabi
nila kaysarap maging bata. Tama naman diba? Yan kasi yung mga panahon na wala
ka pang malay sa mundong ginagalawan mo. Yung tipong wala ka pang mabibigat na
problema. Wala kang ibang iniisip kundi yung oras ng paglaba ng bahay ng kalaro
mo, o yung yung kalaro mong nagkalat na nga sa bahay niyo tinangay pa yung
laruan mo. Pinoproblema mo din yung mga lava sa pagitan ng mga sofa niyo. HAHA.
If you know what I mean. Tapos hindi ka pa mapakali sa pagtingin kung mamamatay
yung ilaw ng ref niyo kapag sinarado o kung ano mangyayari sa ilaw niyo kapag
nilagay mo sa gitna yung switch. HAHA. Ang sarap alalahanin hindi ba? Pero
lahat ng yan magbabago kapag nakilala mo na si LOVE o TRUE LOVE kung
tawagin ng karamihan. Eh ano bang kaibahan nun? Diba kahit nung bata pa naman
tayo eh nakilala na natin si LOVE?
Diba yun yung pinararamdam sa ating ng ating mga magulang, yung hindi
mapapalitan ng kahit ano?
Well, I’m talking about
the different kind of love. Yung love ng opposite sex. Not like your father
loves you. Natural yun. I mean yung love na makakramdam ka ng “Butterflies in your tummy.” Yung
magpapatigil sa heartbeat mo o yung masasabi mong “My heart skips a beat”. Yung matututo kang gawin ang lahat para sa
kanya o para lang sa samahan niyo, like, “Love
Conquers All”. Minsan naman titigil ang mundo mo unang kita mo pa lang sa
kanya at masasambit mo na lang na “Love
At First Sight”.
Elementary pa lang
tayo, natutunan na natin na “Gravity is
the main reason why things fall to the ground.” Well, kapag nakilala mo na si LOVE,
magbabago yan. Dahil kahit wala naman si GRAVITY,
kapag nainlove ka masasabi mong “Nahulog
na ko sa kanya. I fell inlove with you.” Oh see? Malakas ba ang force of gravity niya para
mahulog ka sa kanya? Bangin ba siya para masabi mong nahulog ka? At paano ka
mahuhulog kung hindi ka naman umaakyat? Ang Amazing diba? Wala eh, ganyan
talaga ang love. HAHA. Minsan mapapaisip ka rin kung paano nabuo yung mga terms
na yun sa love. Kung sino man ang nakaisip niyan malamang eh hindi siya
naniniwala sa “Principle of Science”.
Isa naman sa problema
nating mga kababaihan, well isama na din natin yung ibang boys, eh yung sa
tuwing aalis tayo o may pupuntahan, eh hindi tayo makapili ng susuotin nating
damit na BAGAY sa atin. Problema yun
promise. Kahit ako hirap eh. Pero sa LOVE?
Tao ang poproblemahin mo. Iisipin mo kung bagay kayo. Kung magandang tingnan
kapag makikita kayo ng ibang tao na magkasama. Standrads sa pagpili ng taong
bagay sayo eh yung height mo at height
ng taong mahal mo, sabi nila kung mas
maliit daw ang babae at tall si guy, CUTE
kayong tingnan. Hindi din maaalis sa
ibang babae yung pagpili ng mas
matandang lalaki, well cute nga naman ding tingnan yun. Pero yung ibang
lalaki, they prefer yung older girls. Like the mother thingy ang dating. Tapos
yung iba pati size tinitingnan, kung payat ka, payat din ang hanap mo, like
dapat magkamukha silang slim o kaya chubby. Meron pa na pati skin complexion eh
sinusuri. Kung maitim pangit agad. Like hindi pwedeng black beauty muna? Well,
kung love mo naman talaga ang isang tao kahit ano pa man ang itsura niya eh
mamahalin mo yan. We must not judge a person based on their looks. We must
consider what they’ve got inside. No, not what you’re thinking. Alam ko iniisip
mo. HOHOHOHO. I mean yung ugali. Yung utak. Yung busilak na kalooban. At most
importantly eh yung kung ano ka sa tuwing kasama mo. Yun naman ang mahalaga
diba? It’s not the look the counts. Always remember that mga babes. :D
Dati din tuwing naglalaro kayo, masaya kayo
kapag madami kayong magkakalaro. “The
more, the merrier” sabi nga nila. Masaya nga naman kasi yung makikita mong
madami kayo, yun bang mahihirapan ang taya sa paghuli sa inyo dahil sa dami
niyo. Pero sa usaping LOVE, iba na
yan. Pag madami kayo, sakit freyyy. Laslas na. Bigti na freyy. Tanga kapag alam
mo ng madami kayo eh sumisige ka pa. Like, nagbibilang siya ng karelasyon.
Well, para sakin, “Having many girls does not make you gwapo. But rather makes
you gago”. Eto pa, bakla din ang
tingin ko sa mga ganun, bakit? Kasi look. Tayong mga babae kinokolekta niya at
ginagawa niyang laruan? Like he was playing and collecting Barbie dolls. Am I
right? Bad yun mga freyy, mapababae o lalaki man ang gumawa nun, kahit may
dahilan ka pa o kahit saan angle mo tingnan, It’s a CRIME. HAHA.
Oh, ayan, nagmahal ka
na, nasiyahan ka na, pinakilig ka niya sa mga cheesy niyang banat, ipinakilala
mo pa sa parents mo, bumuo kayo ng maraming memories, sobrang attached ka na sa
kanya at dumating na sa point na ikamamataymo pag nawala siya. (Like, oxygen
baga ang peg ng mahal mo.) oh tapos ano? Niloko ka lang niya. Malalalaman mong
hindi lang pala niya sayo ginagawa yung sweet stuffs na yun. Like, akala mo
ikaw lang, alam mong “only ME” ka
lang niya. Pero nagkamali ka “maraME”
pala kayo. At ang masakit diyan, option ka lang. HAHAHA. Sakit diba? Laslas na.
At dahil nasaktan ka, iiiyak mo na lang ang lahat para mailabas ang sakit. Pero
hindi tulad ng dati na iiyak ka na parang kinakatay kang baboy para lang
mapansin ka nila. Ngayon, pipilitin mo pa ring ngumiti kahit na sobrang sakit
na, kahit nanggigilid na ang luha mo. Iiyak ka sa pinakatahimik na paraan. At
sa pinakatagong lugar. Ayaw mo kasing malaman ng iba na dahil lang sa LOVE eh nasasaktan ka ng sobra at
ngayon eh umiiyak ka pa. HAHA. Ayan. Hirap diba? Study muna kasi. Sunod na si LOVE pag ready ka na talagang masaktan
at magpakamartyr. Dahil sa LOVE, hindi mo lang matutunan maging PLASTIC sa nararamdaman mo, pati sarili
mo matututunan mong lokohin. Ang hirap. Wala eh, ganyan si LOVE.
Nung mga bata pa tayo,
tuwing nasusugatan tayo, nilalagyan yun ng alcohol ni Mommy para daw malinis
yung sugat at mapabilis ang paggaling. Pero ngayon, bakit sa tuwing nasasaktan
ka, umiinom ka ng alcohol? HAHA. Sobrang sakit ba? Nasa loob ba yung sakit? Mahuhugasan
ba yung puso mo kapag ininom mo yung alcohol? Makakalimutan mo ba yung problema
pag ganun? Maghihilom ba ang sugat na iniwan ng sawing pag ibig sa puso mo?
Diba hindi rin naman? Medyo gagaan lang ang loob mo kasi kapag nalasing ka na,
maikekwento mo ang lahat sa kahit sino pa man yan. Baka kahit sa hindi mo
kakilala eh maisalaysay mo ang naunsyaming pagmamahal mo XDD Tama naman eh.
Pero hinay hinay lang sa pag inom mga brad, baka kasi naiibsan nga ang sakit ng
puso mo, nagdudusa naman sa epekto ng alcohol itong ATAY mo. Freyy lalong
makalalala yan. Sawi ka na nga sa pag ibig, eh baka maawi ka pa niyan. HAHA.
I’m not being mean. I’m jsut telling the truth. O hinay hinay lang ha. Drink
moderately. O kaya kahit wag ng maglasing. Ikwento mo na lang. XD
Oh ano? Madami ka bang
nalaman? Madami ka bang napansin? Daming
pagkakaibsa kapag nakilala mo si LOVE
diba? Mga bagay na ni minsan nung bata ka eh hindi mo aakalaing magagawa mo.
Ito lang masasabi ko, para sa mga di pa naiinlove, wag muna. Wait for the right
age. I suggest 19. Pag Nineteendihan mo na lahat. XD Korniii. HAHA Sa mga
nainlove na at nasawi, don’t worry, Maybe Busy pa si God sa pagsulat ng
lovestory mo. O kaya, He’s saving you
for the right person. At sa mga kasalukuyang inlove, Goodluck sa inyo guys!
Remember, effort effort din pag may time. XD Saka trust! :D
Ang daldal ko na diba?
Alam ko naman eh, yung mga makakakita nitong post na to eh hindi tatapusin
hanggang sa huli. Pero baka magsisi yung mga yun. HAHA. Pinageffortan ko kaya
tong article na to. -.-“ Para sayo na nakarating hanggang sa parting to,
binabati kita. Congrats. Madami ka naman natutunan diba? Nagenjoy ka naman
magbasa diba? Comment kayo! :D Follow na din ha? Suggest din kayong topic o
title. I wanna deal with some serious topic nga pala. XD I love you guys! :* :D