Hi. Feel free to read and comment on my posts. Just be nice. Suggestions are also accepted. Title or Topic suggestions Anyone?

Friday, November 29, 2013

Mga Anino ng Kahapon

Maraming gustong bumalik sa kanilang kabataan dahil sa mga alaala’t halakhakang naikintal nito sa ating mga puso. Ngayong araw, muli kong naranasan ang maging batang musmos na sabik sa paglalaro sa kanyang mga kaibigan. Habulan, takbuhang walang mulat, amoy araw ang lahat  at bawat isa’y may ngiting maniningning pa sa sikat ng araw na nagmamasid sa amin sa haplos ng malalagong damo. Hindi maikakaila, ako’y buong galak na bumalik sa pagkabata. Mga panahong hindi lubos na napagtuunan ng pansin, ngayo’y aking pilit na tinutungo. Walang mapagsidlan mga ligayang aking nadarama. Walang malang tanawin sa mga kalaro kong panay ang takbo huwag lamang mahuli ng taya. Sumagi sa isipan ko, anong saya kapag marami kang kaibigan. Ngunit, sa pag iisip kong ito, tila may isang karayom na tumimo sa aking talampakan at naramdaman ko ang kirot sa kaliwang parte ng aking dibdib. Tama nga! Anong saya kung marami kang tunay na kaibigan. Noong hapong iyon, walang malagyan aking mga tawa’t halakhak, subalit, alam kong sa likod ng buhay na buhay at nakangiti kong mga labi’y nagkukubli, nagtatago sa isang madilim na sulok ang tunay kong pagkatao. Sa kabila ng mga matatamis na ngiting ibinabato nila sa akin, alam kong ni minsan sa aking buhay, hindi sila magiging totoo sa akin.
                Napatunayan ko na ang isinasamo ng isipan kong iyon. Nasa ikatlong taon ako ngayon ng pag aaral sa sekondarya. Dalawang taon ko ang napuno ng karangyaa’t karangalan. Sa dalawang taon kong iyon nalasap ang biyaya ng buhay. Noon ko naramdaman ang pagmamahal ng mga taong nasa paligid ko. Ang mga panahong iyon ang pinakanagmarka sa aking isipa’t nag iwan ng pilat sa aking puso. Hindi ko maikakaila, napakarami kong nagging kaibigan noon. Napakaraming gustong makipag kaibigan sa akin. Umuulan ang mga biyaya’t karangalan, karangyaa’y aking tinamasa. Napakasaya ko noon. Wala na akong mahihiling pa, ni hindi ko man lang naiisip ang sarili kong manlulumo’t mag iisa sa dilim sa parating na bukas. Ni hindi man lamang sumagi sa aking isipan na gigising ako sa isang mundong tanging ako lamang ang nakakaalam. Wala akong naisip na negatibong pangyayari.
                Wala akong kamalay malay, ang lahat pala ng iyo’y dulot ng karangyaang nasa aking mga palad. Kinabukasan, paggising ko’y tanging ako na lamang ang tumatahak sa matarik ng bundok ng buhay. Nawala ang karangyaang aking pinanghahawakan. Nabura ang pangalan ko sa maningning na listahan. Mga kaibigang, kapatid kung ituring noon, ngayo’y alaala na lamang ng lumipas. Lahat ng biyayang nagkulay sa aking kahapon, ngayo’y naglahong parang bula. Isang malakas na hangin ang nagdaa’t tinangay lahat ng mayroon ako. Isang malaking baha ang dumating at inagos ang lahat ng sa aki’y nagbigay ngiti. Isang hindi inaasahang lindol ang yumanig sa mundo ko at nagpaguho sa lahat ng alaalang nabuo ng kahapon.Ngayon, heto ako, nag iisang naglalakad madilim na iskinita na hindi alam kung saan tutungo habang panay ang pagbagsak ng mga patak ng ulan na sinabayan ng aking luha.
                Ulan ay dadating, lalakas, hihina, ngunit darating ang panahon, titila, at ang araw ay muling magliliwanag. Nangyari nga! Tumila ang malakas na ulan, ang lahat sa aki’y muling nagbalik, kaibiga’t kalarong naglahong parang bula’y sa akin ngayo’y muling nagbabahagi ng halakhak. Karangyaang tinangay ng unos na nagdaa’y muling nanumbalik. Lahat ng bagay ay lumagay sa ayos. Ngunit ano? Ano itong kumikirot sa kaliwa kong dibdib? AH! Iyon ang pilat na iniwan ng hinagpis ng kahapon.  Ang kirot na dulot nito’y kung makakapagsalita lamang ay sinigawan na ako’t sinabing hindi na dapat pa ako magtiwala sa kanila, wala na akong rason para ang papel na nilukot at inapakapakan nila’y ayusin kong muli. Ang minsanang sakit na iniwan nila sa akin, ay ayoko nang maulit pa. Hindi! Hindi na ko babalik sa anino ng kahapon. Hindi na ako muling magkukubli sa anino ng nakaraan. Ako’y nabago na. Nahubog at natuto  sa mga pagsubok na pinagdaanan. Mas malakas, mas mapanuri at ngayo’y kayang tumayo ng mag isa. 

Thursday, September 26, 2013

If you love me, let me know. But if not, please just let me go.

                    Bakit ba hindi mo na lang ako bitiwan kung talagang ayaw mo na? Bakit ba hindi mo na lang ako iwan kung hindi mo na ko mahal? Bakit ba panay ang pag iwas mo sakin? Bakit pilit mo kong sinasaktan? Bakit sa bawat araw na dumadaan lalo akong nahihirapan? Bakit ba hindi naaapektuhan ng mga nangyayari?

                Alam ko, may mali ako. Ako yung unang nagbago. Sinaktan kita. Nagbago ako ng sobra at hindi mo nagustuhan. Alam ko sa ngayon ang sama sama ng tingin mo sakin. Alam ko hindi mo na ko gusto. Alam ko pinipilit mo na lang. Pero tama bang ibalik mo sakin ng sobra sobra yung mga ginagawa ko sayo dati? Alam ko nasasaktan ka. Pero dapat mo ba kong pahirapan ng ganito? Bakit hindi na lang natin ‘to tapusin? Bakit hindi mo na lang ako pakawalan? Ikaw din naman ang mahihirapan niyan eh. Habang nagtatagal na ganito tayo, lalo kang hindi makakahanap ng better next mo. Or nakahanap ka na? Hinihintay mo na lang ba akong makipagbreak? Well, kahit masakit, pipilitin kong kayaning mag let go kung doon ka sasaya. Pero please, kung mahal mo pa ko, please, Stay. Pero kung iiwan mo din ako, please pakiwarningan ako. Wag mo kong paasahin sa salitang forever kung alam mong baling araw, dadating ang panahon na iiwan mo kong mag isa. Alam mo naman hindi ko kaya eh. :’( Iloveyou.