Sa henerasyon ng mga
kabataan ngayon, iba iba na ang tawag sa bawat relasyon natin sa ating kapwa,
mapababae o lalaki. Nandiya yung tinatawag na FLING, o yung flirt flirt lang ang gusto. Nauso din yung mga
tinatawag na HOHOL at MOMOL, like, Hang Out Hang Out Lang
at Make Out Make Out Lang. Tapos si facebook may mga pausing relationship
status din, tulad ng “It’s complicated”
at “Mutual Understading,” kung ano
man yan, naguguluhan ako. HAHA.
Sa napapansin ko sa mga nakapaligid sakin, M.U. ang madalas na relationship
status nila. Pero ano nga ba ibig sabihin ng M.U.? Magsyotang Unggoy? HAHA. Joke lang. Yung M.U., it stands for Mutual Understanding. Well, nandun na
yung meaning, the word itself. Mutual
means “pareho kayo” or “on both sides/party”, Understanding? Edi yun yung pagkakaunawaan nila. HAHA. Wait, Ibang
klaseng pag uunawaan yun. Hindi lang basta pag uunawaan ng magkapatid na
natututong magparaya sa bawat isa, o ang pag uunawaan ng magkaibigan sa
pagharap sa bawat problema. Sabi nga ng iba, to the next level. Yun! Yun na siguro tamang term para idescribe
yung pag uunawaan nila na iyon.
Well, sa totoo lang wala pa kasi talaga akong
experience diyan sa M.U. chuchu na yan. Actually meron, kaso hindi rin nagtagal
eh. Ewan ko ba, ginawa ko lang sigurong pampalipas oras. HAHA. Bad Girl eh.
Pasensya. Pero base sa mga nakapaligid sakin at pati na rin sa pagtatanong sa
ilang mga kaibigan ito ang mga nakuha kong sagot nila.
Sabi nila, at ayon din sa pagkakaunwa ko, sa
Mutual Understanding daw, yung babae at lalaki, pareho ng nararamdaman sa isa’t
isa. Pero for some reasons, hindi pwede o hindi talaga maging sila. Yung mas
pinili na lang nilang maging more than
friends but less than lover. “Play
Safe” ika nga. Maybe, ginawa nila yun para naman kahit papano friends pa
rin yung turingan nila at kapag dumating time na kailangan na nilang itigil
yung relationship nay un, may babalikan pa sila, “As Friends”. Yung iba naman, ginawa iyon para magprepare sa next level. Yun bang, tinetest muna nila yung compatibility nila para ibring sa mas
mataas na libel ng relasyon, yun na nga yung “Mag - on” o “MagBF/GF”
na sinasabi nila. Pero mayroon ding iba, well di ako sure kung meron ngang
ganito, pero nagawa ko kasi ito minsan eh, yung may gusto siya sayo at may
gusto ka sa kanya pero meron kang MAS gusto o MAS mahal. Kaya pinili mo na lang
makipag “M.U.” sa kanya para kahit papano hindi ganoon kalaki pagsisisihan mo
pag nagkataon. Meron din diyan sa tabi tabi na nakikipag M.U. just for the sake na masabi nilang wala pa silang
nagiging boyfriend o girlfriend. HAHA. Ganyan yung kaklase ko eh.
Nagbibilang ng nakaM.U., at hindi lang yan, mukhang pinagsasabay sabay niya
yung mga yun. HAHA. Mautak si parekoy, wala eh. XD
Mutual Understanding? O Malabong Usapan? Yung tipong nagsasabihan kayo ng “I Love You”, “I Miss You”, “Ingat ka”, concern sa isa’t isa at nagtatanungan
pa ng “Kumain ka na ba?”, “Asan ka ba?”, “Sino mga kausap mo?” pero walang commitment, walang title na “BF/GF”, pero ang totoo, parehong niyong
gustong maging kayo. Nakita ko yan, sa
isang picture sa Google. Well, Nice description, pero okay, so lahat pala ng
magsiyota ngayon eh pinagdaan itong “M.U.” chuchu na yun? Diba? Pansinin natin,
pag niligawan ka ng crush mo diba nagpapakita ka din ng motibo? Sinasakyan mo
mga pakulo niya sa panliligaw sayo. Edi it means “M.U.” na kayo ng lagay na yun
diba? Nakakagulo. HAHA May naaalala kasi ako eh. :3 Nemen. </3
“It’s when you enjoy the freedom of being SINGLE but
you get the feeling of BEING TAKEN.”
Ito pa, ang ganda eh, ang sarap pakinggan at lalong mukhang masarap subukan.
Tama nga naman, hindi naman kasi talaga kayo eh pero mahal niyo ang isa’t isa.
Yung Malaya kang humanap ng iba kahit may nagmamahal sayo. HAHA. Masarap yon!
Lasang leche flan. HAHA. Pero come to
think of it. Mahirap yun. Napakahirap. Kasi dito, magmamahal ka pero wala kang
karapatang magselos sa oras na may kahawak siyang iba, wala naman kasi kayo
nung COMMITMENT thingy eh. Ang sakit
diba. Madalas yung mga magM.U. ito ang linya kapag nagseselos, “Ang sakit na makita
mo yung taong mahal na mahal mo sa piling ng iba tapos wala kang magawa dahil
wala ka naming KARAPATAN.” HAHA. Well,
ito yung hatest part ko eh, yung wala ka naming karapatan sa kanya pero mahal
niyo ang isa’t isa. TheHell, Bakit pa kayo nagmahalan kung wala din naming karapatan?
Nakakaloko eh. HAHAHA. Ang hirap isipin.
Well, maraming disadvantages at maraming
advantages itong relationhip status na ito. Ayan nabanggit ko na nga. Tip lang,
para sa ating mga estudyante na kasalukuyan pa lang umaabot sa ating mga
pangarap, mag aral muna tayo. Well, tayo din naman ang magsisisi sa huli eh
diba? Una, kung maaga kang iibig, it means maaga ka ding masasaktan. May chance
pa na masira yung pag aaral mo dahil sa bwiset na love na yan. Pero dun naman
sa iba na nagtake na ng risks tulad ko, HAHA Welcome to the hell, ayy I mean,
GoodLuck sa inyo. Sana’y madami kayong matutuhan sa bawat landas na tinatahak
niyo. Hoy ikaw! Basahin mo ito ng buo, para sayo ito! HAHAHA
Tss.
Ayan napapaiyak na ko. Bumabalik yung mga memories of the past eh. L >.< Tama na nga. Ang dami ko ng nasabi eh.
Enjoy reading! Sana naman may bumasa. L Follow us! :D We’re accepting any topic or title
suggestions.
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeleteHAHAHA. Thanks. Don't mention maname here. T.T
DeleteHAHA. ur always welcome!!! cge, I will not mention ur name... ^_^
Delete