Hi. Feel free to read and comment on my posts. Just be nice. Suggestions are also accepted. Title or Topic suggestions Anyone?

Wednesday, May 22, 2013

Mutual Understanding


Sa henerasyon ng mga kabataan ngayon, iba iba na ang tawag sa bawat relasyon natin sa ating kapwa, mapababae o lalaki. Nandiya yung tinatawag na FLING, o yung flirt flirt lang ang gusto. Nauso din yung mga tinatawag na HOHOL at MOMOL, like, Hang Out Hang Out Lang at Make Out Make Out Lang. Tapos si facebook may mga pausing relationship status din, tulad ng “It’s complicated” at “Mutual Understading,” kung ano man yan, naguguluhan ako. HAHA.
                        Sa napapansin ko sa mga nakapaligid sakin, M.U. ang madalas na relationship status nila. Pero ano nga ba ibig sabihin ng M.U.? Magsyotang Unggoy? HAHA. Joke lang. Yung M.U., it stands for Mutual Understanding. Well, nandun na yung meaning, the word itself. Mutual means “pareho kayo” or “on both sides/party”, Understanding? Edi yun yung pagkakaunawaan nila. HAHA. Wait, Ibang klaseng pag uunawaan yun. Hindi lang basta pag uunawaan ng magkapatid na natututong magparaya sa bawat isa, o ang pag uunawaan ng magkaibigan sa pagharap sa bawat problema. Sabi nga ng iba, to the next level. Yun! Yun na siguro tamang term para idescribe yung pag uunawaan nila na iyon.
                        Well, sa totoo lang wala pa kasi talaga akong experience diyan sa M.U. chuchu na yan. Actually meron, kaso hindi rin nagtagal eh. Ewan ko ba, ginawa ko lang sigurong pampalipas oras. HAHA. Bad Girl eh. Pasensya. Pero base sa mga nakapaligid sakin at pati na rin sa pagtatanong sa ilang mga kaibigan ito ang mga nakuha kong sagot nila.
                        Sabi nila, at ayon din sa pagkakaunwa ko, sa Mutual Understanding daw, yung babae at lalaki, pareho ng nararamdaman sa isa’t isa. Pero for some reasons, hindi pwede o hindi talaga maging sila. Yung mas pinili na lang nilang maging more than friends but less than lover. “Play Safe” ika nga. Maybe, ginawa nila yun para naman kahit papano friends pa rin yung turingan nila at kapag dumating time na kailangan na nilang itigil yung relationship nay un, may babalikan pa sila, “As Friends”. Yung iba naman, ginawa iyon para magprepare sa next level. Yun bang, tinetest muna nila yung compatibility nila para ibring sa mas mataas na libel ng relasyon, yun na nga yung “Mag - on” o “MagBF/GF” na sinasabi nila. Pero mayroon ding iba, well di ako sure kung meron ngang ganito, pero nagawa ko kasi ito minsan eh, yung may gusto siya sayo at may gusto ka sa kanya pero meron kang MAS gusto o MAS mahal. Kaya pinili mo na lang makipag “M.U.” sa kanya para kahit papano hindi ganoon kalaki pagsisisihan mo pag nagkataon. Meron din diyan sa tabi tabi na nakikipag M.U. just for the sake na masabi nilang wala pa silang nagiging boyfriend o girlfriend. HAHA. Ganyan yung kaklase ko eh. Nagbibilang ng nakaM.U., at hindi lang yan, mukhang pinagsasabay sabay niya yung mga yun. HAHA. Mautak si parekoy, wala eh. XD
                        Mutual Understanding? O Malabong Usapan? Yung tipong nagsasabihan kayo ng “I Love You”, “I Miss You”, “Ingat ka, concern sa isa’t isa at nagtatanungan pa ng “Kumain ka na ba?”, “Asan ka ba?”, “Sino mga kausap mo?” pero walang commitment, walang title na “BF/GF”, pero ang totoo, parehong niyong gustong maging kayo.  Nakita ko yan, sa isang picture sa Google. Well, Nice description, pero okay, so lahat pala ng magsiyota ngayon eh pinagdaan itong “M.U.” chuchu na yun? Diba? Pansinin natin, pag niligawan ka ng crush mo diba nagpapakita ka din ng motibo? Sinasakyan mo mga pakulo niya sa panliligaw sayo. Edi it means “M.U.” na kayo ng lagay na yun diba? Nakakagulo. HAHA May naaalala kasi ako eh. :3 Nemen. </3
                        “It’s when you enjoy the freedom of being SINGLE but you get the feeling of BEING TAKEN.” Ito pa, ang ganda eh, ang sarap pakinggan at lalong mukhang masarap subukan. Tama nga naman, hindi naman kasi talaga kayo eh pero mahal niyo ang isa’t isa. Yung Malaya kang humanap ng iba kahit may nagmamahal sayo. HAHA. Masarap yon! Lasang leche flan. HAHA.  Pero come to think of it. Mahirap yun. Napakahirap. Kasi dito, magmamahal ka pero wala kang karapatang magselos sa oras na may kahawak siyang iba, wala naman kasi kayo nung COMMITMENT thingy eh. Ang sakit diba. Madalas yung mga magM.U. ito ang linya kapag nagseselos, “Ang sakit na makita mo yung taong mahal na mahal mo sa piling ng iba tapos wala kang magawa dahil wala ka naming KARAPATAN.” HAHA. Well, ito yung hatest part ko eh, yung wala ka naming karapatan sa kanya pero mahal niyo ang isa’t isa. TheHell, Bakit pa kayo nagmahalan kung wala din naming karapatan? Nakakaloko eh. HAHAHA. Ang hirap isipin.
                        Well, maraming disadvantages at maraming advantages itong relationhip status na ito. Ayan nabanggit ko na nga. Tip lang, para sa ating mga estudyante na kasalukuyan pa lang umaabot sa ating mga pangarap, mag aral muna tayo. Well, tayo din naman ang magsisisi sa huli eh diba? Una, kung maaga kang iibig, it means maaga ka ding masasaktan. May chance pa na masira yung pag aaral mo dahil sa bwiset na love na yan. Pero dun naman sa iba na nagtake na ng risks tulad ko, HAHA Welcome to the hell, ayy I mean, GoodLuck sa inyo. Sana’y madami kayong matutuhan sa bawat landas na tinatahak niyo. Hoy ikaw! Basahin mo ito ng buo, para sayo ito! HAHAHA
Tss. Ayan napapaiyak na ko. Bumabalik yung mga memories of the past eh. L >.< Tama na nga. Ang dami ko ng nasabi eh. Enjoy reading! Sana naman may bumasa. L Follow us! :D We’re accepting any topic or title suggestions.

3 comments:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHA. Thanks. Don't mention maname here. T.T

      Delete
    2. HAHA. ur always welcome!!! cge, I will not mention ur name... ^_^

      Delete