Hi. Feel free to read and comment on my posts. Just be nice. Suggestions are also accepted. Title or Topic suggestions Anyone?

Tuesday, May 21, 2013

Miss Minion


                        Woah! Isang blog na naman ang nabuo. Madadagdagan na naman ang humigit kumulang 200 milyong blog sa world wide web. Ngunit, bakit ko nga ba ito ginawa? Madali lang, hindi tulad ng ibang blog na nabulok na lang sa katagalan, sa blog na ito, sisikapin kong magpost ng mga Ingles at Tagalog na essay patungkol sa mga iba’t ibang usapin ng panahon natin ngayon. Maari akong magpost patungkol sa naganap na eleksyon, ang laganap na kahirapan sa bansa natin, ang mayamang kulturang ng ating mga ninuno na nagkukubli sa magagandang paraiso ng bansang ito, ang mga usapin sa pag ibig, ang mga bagay na kinakaharap ng mga estudyante at kung anik anik pa. Sa ngayon, madaming topic ang pumapasok sa isip ko at gusto kong gawan ng essay. Ngunit, paano kung hindi iyon “in” ngayon? Kaya naman kailangan ko din ng tulong niyo para sa post ipopost ko ditto. Humihingi ako ng mga suggestions para sa mga topic at title, maaari rin sa paraan ng paggawa ng isang magandang essay. Pero bago yan, magpapakilala muna ko. J
                        Sa 14 na taong paninirahan ko ditto sa mundo, isa na kong Third year high school student na humarap sa madaming problema at unti unti inaabot ang aking mga pangarap. Hindi naman gaanong kagandahan pero may busilak na kalooban. Ngunit, hindi ibig sabihin niyan ay mabait ako, Well, dir in naman ganun kasama, gusto ko lang talagang ienjoy ang aking buhay. Madalas sinusuway ko ang mga nakatataas. Pasaway nga kung tawagin. Madalas din akong magtake ng risks. Tulad ng paggawa ng mga takdang aralin ko bago magsimula ang klase. Hindi ko rin ugaling mag aral ng leksiyon. Pero kapag nagtetest nakakasunod naman ang score ko sa mga kaklase ko. Madalas din akong magditch ng klase para umiwas sa subject o kaya sa guro. Madalas ko yung ginawa kapag English time o kaya eh MAPEH time. Ang boring eh. Wala akong maintindihan. Maaga rin akong umibig, kaya ayun, aging umiiyak sa lalaki. Pero kalimutan na natin yun, nakamove on na ko. HAHA. Wala eh, ganun talaga ako. Medyo gangster pero matalino.  Nasa loob ang kulo sabi nga ng iba.
                        Pinagkalooban naman ako ng magulong pamilya. Galing ako sa broken family. Nakatira ako kasama ng aking Nanay. Pero ang magandang panig nito ay hindi naghanap ng ibang pamilya ang aking ama, haha salamat naman, dahil ako lang naman ang pupulaan pag nagkaganon. Idol ko nga pala si Bob Ong, kaya eto, medyo BOBONG ang post ko. HAHA. Oh! Hala! Masyado ng marami yung nabanggit ko tungkol sa sarili ko. Sana basahin niyo at tangkilikin yung blog ko! J Follow na din kayo! J Comment! Suggest! :D

3 comments: