Woah! Isang blog na naman ang nabuo.
Madadagdagan na naman ang humigit kumulang 200 milyong blog sa world wide web.
Ngunit, bakit ko nga ba ito ginawa? Madali lang, hindi tulad ng ibang blog na
nabulok na lang sa katagalan, sa blog na ito, sisikapin kong magpost ng mga
Ingles at Tagalog na essay patungkol sa mga iba’t ibang usapin ng panahon natin
ngayon. Maari akong magpost patungkol sa naganap na eleksyon, ang laganap na
kahirapan sa bansa natin, ang mayamang kulturang ng ating mga ninuno na
nagkukubli sa magagandang paraiso ng bansang ito, ang mga usapin sa pag ibig,
ang mga bagay na kinakaharap ng mga estudyante at kung anik anik pa. Sa ngayon,
madaming topic ang pumapasok sa isip ko at gusto kong gawan ng essay. Ngunit,
paano kung hindi iyon “in” ngayon? Kaya naman kailangan ko din ng tulong niyo
para sa post ipopost ko ditto. Humihingi ako ng mga suggestions para sa mga
topic at title, maaari rin sa paraan ng paggawa ng isang magandang essay. Pero
bago yan, magpapakilala muna ko. J
Sa 14 na taong paninirahan ko ditto sa mundo,
isa na kong Third year high school student na humarap sa madaming problema at
unti unti inaabot ang aking mga pangarap. Hindi naman gaanong kagandahan pero
may busilak na kalooban. Ngunit, hindi ibig sabihin niyan ay mabait ako, Well, dir
in naman ganun kasama, gusto ko lang talagang ienjoy ang aking buhay. Madalas
sinusuway ko ang mga nakatataas. Pasaway nga kung tawagin. Madalas din akong
magtake ng risks. Tulad ng paggawa ng mga takdang aralin ko bago magsimula ang
klase. Hindi ko rin ugaling mag aral ng leksiyon. Pero kapag nagtetest nakakasunod
naman ang score ko sa mga kaklase ko. Madalas din akong magditch ng klase para
umiwas sa subject o kaya sa guro. Madalas ko yung ginawa kapag English time o
kaya eh MAPEH time. Ang boring eh. Wala akong maintindihan. Maaga rin akong
umibig, kaya ayun, aging umiiyak sa lalaki. Pero kalimutan na natin yun,
nakamove on na ko. HAHA. Wala eh, ganun talaga ako. Medyo gangster pero
matalino. Nasa loob ang kulo sabi nga ng
iba.
Pinagkalooban naman ako ng magulong pamilya.
Galing ako sa broken family. Nakatira ako kasama ng aking Nanay. Pero ang
magandang panig nito ay hindi naghanap ng ibang pamilya ang aking ama, haha
salamat naman, dahil ako lang naman ang pupulaan pag nagkaganon. Idol ko nga
pala si Bob Ong, kaya eto, medyo BOBONG ang post ko. HAHA. Oh! Hala! Masyado ng
marami yung nabanggit ko tungkol sa sarili ko. Sana basahin niyo at tangkilikin
yung blog ko! J
Follow na din kayo! J
Comment! Suggest! :D
nOw,I really knOw whO are yOU!!! :D
ReplyDeleteMay halong kasinungalingan yan. :D
Deleteok lungs haha :D
ReplyDelete