Hi. Feel free to read and comment on my posts. Just be nice. Suggestions are also accepted. Title or Topic suggestions Anyone?

Friday, July 26, 2013

Madness In Me

         “Everyone has their own demons. Some just don't show it.” Oo nga naman. Well, hindi ako sure, pero ito pagkakaintindi ko sa mga salitang yan. Lahat tayo may kanya kanyang dark side, hindi nga lang pinapakita ng iba. HAHA sana tama.
            Bawat isa sa atin, may kanya kanyang degree of anger, may mga taong madaling magalit sa pinakasimpleng paraan, yun bang makanti mo lang ng kaunti eh galit kaagad, inis na kaagad, aawayin ka na kaagad. SENSITIVE. Mayroon ding mga nakakapagtimpi hanggang sa huling hininga pero take extra precautions dahil yung mga taong ganito yung kapag nagalit eh parang Mt. Krakatoa na sasabog ng sobrang lakas at bigla ka na lang lalamunin ng nagbabagang magma na lumalabas. Grabe po yun. Nakakatakot, sabi nga nila, makakakita ka ng demonyo naglalakad sa mundong ibabaw.
            Maraming dahilan kung bakit nagagalit ang isang tao, pwedeng dahil nakita nila ang taong mahal nila na masayang masaya sa iba, diba sobrang nakakaewan nun? Yung tipong sa labas, nakangiti ka pa sa kanila, pero sa isip mo pinapatay mo silang dalawa. (Yeah, At ganyan ako. Kaya ikaw, wag kang kalan -.-“). Minsan naman, kahit walang ginagawa yung tao, naiinis ka sa kanila, totoo yan, ramdam na ramdam ko yan, yun bang mga taong makita mo pa lang eh sirang sira na yung araw mo, yung mga taong gusto mong pagbabatuhin ng mattalim na kutsilyo. Nakakainis diba? HAHA (Another thing, ganito ako. Kaya wag kang pagala gala, baka mapadali buhay mo).
            Kung may iba’t ibang dahilan para magalit ang isang tao, mayroon ding iba’t ibang paraan kung paano magalit ang bawat tao. Simulan natin sa pinakaworst. Yung mga Masochist type, sila yung mga taong pag nagalit eh halos patayin ang sarili. Yung mga iba diyan, sinasabunutuan yung sarili, inuuntog ang ulo sa pader, o kinukurot ang sarili, ang violent diba? HAHA Ganyan ako eh, pag nagagalit ako, nagwawala, sinasabunutan sarili, inuuntog. May mga tao naman na kapag nagalit eh pinagbubuntunan ang ibang bagay o tao, yung iba nananakit ng iba para lang mailabas yung galit, yung iba naman naninira ng gamit. Ganyan din po ako. Kaya wag niyo kong gagalitin. HAHA. May mga tao naman na kapag galit eh kung anu anong salita ang namumutawi sa bibig. Yung pati ata kampon ni satanas eh binging bingi na sa mga masasamang salitang lumalabas sa bibig niya. HAHA Nakakatakot yun promise. Mayroon pa! Di pa tapos! Yung mga taong slight kung magalit, yung sa umpisa ng galit nya eh sobrang intense, pero mga 5 or 10 minutes, happy happy na ulit. Masayang kasama mga taong ganito, pero nakakainis din kapag sobra na, yung mga tipong galit, bati, inis, bati, tampo, bati. Nakakaewan diba. Bipolar po? xD Oh, inip ka na ba? Meron pa wait, sulitin mo na pagbabasa mo. Yung ibang tao naman, dinadaan sa pag iyak, yung magkukulong sa kwarto o sac r para iiyak lahat ng galit sa puso nila, hanga din naman ako sa kanila eh noh? Hindi nila naiisip na sasakit lang at mamaga ang mga mata nila sa kakaiyak nila, pero okay din, atleast walang masyado or grabeng side effect. xD Pero eto na ata ang pinakadabest, yung mga taong, dinadaan sa ngiti or fake smile ang bawat galit or batong matigas na hahagis sa kanila. Yah. Sabi nga, The best way to kill your enemy is to hug them so tight that they could hardly breathe. Yow. Joke lang. Eto na talaga, the best way to kill your enemy is to make him your friend. xD Yeaah. Saludo ako sa mga taong ganito. J

            Yow, masyado na bang mahaba? Sobra na ba? Teka, isasarado ko na ang bukal ng kaalaman xD titigil na ko. O sya, alam kong nagsisisi kayo ngayon na pinag ubusan niyo ng oras ang pagbabasa nitong gawa, pero, haha, wala kasi akong mapagbalingan eh, kesa magwala ako dito sa bahay at sabunutan at iuntog (yow, nagawa ko na kanina) ko ang sarili ko, ginawa ko na lang to. Sana naman nag enoy ka neh? Balik ka uli ah? xD 

Thursday, May 23, 2013

Till I Met Love


                            Sabi nila kaysarap maging bata. Tama naman diba? Yan kasi yung mga panahon na wala ka pang malay sa mundong ginagalawan mo. Yung tipong wala ka pang mabibigat na problema. Wala kang ibang iniisip kundi yung oras ng paglaba ng bahay ng kalaro mo, o yung yung kalaro mong nagkalat na nga sa bahay niyo tinangay pa yung laruan mo. Pinoproblema mo din yung mga lava sa pagitan ng mga sofa niyo. HAHA. If you know what I mean. Tapos hindi ka pa mapakali sa pagtingin kung mamamatay yung ilaw ng ref niyo kapag sinarado o kung ano mangyayari sa ilaw niyo kapag nilagay mo sa gitna yung switch. HAHA. Ang sarap alalahanin hindi ba? Pero lahat ng yan magbabago kapag nakilala mo na si LOVE o TRUE LOVE kung tawagin ng karamihan. Eh ano bang kaibahan nun? Diba kahit nung bata pa naman tayo eh nakilala na natin si LOVE? Diba yun yung pinararamdam sa ating ng ating mga magulang, yung hindi mapapalitan ng kahit ano?
Well, I’m talking about the different kind of love. Yung love ng opposite sex. Not like your father loves you. Natural yun. I mean yung love na makakramdam ka ng “Butterflies in your tummy.” Yung magpapatigil sa heartbeat mo o yung masasabi mong “My heart skips a beat”. Yung matututo kang gawin ang lahat para sa kanya o para lang sa samahan niyo, like, “Love Conquers All”. Minsan naman titigil ang mundo mo unang kita mo pa lang sa kanya at masasambit mo na lang na “Love At First Sight”.
Elementary pa lang tayo, natutunan na natin na “Gravity is the main reason why things fall to the ground. Well, kapag nakilala mo na si LOVE, magbabago yan. Dahil kahit wala naman si GRAVITY, kapag nainlove ka masasabi mong “Nahulog na ko sa kanya. I fell inlove with you.” Oh see?  Malakas ba ang force of gravity niya para mahulog ka sa kanya? Bangin ba siya para masabi mong nahulog ka? At paano ka mahuhulog kung hindi ka naman umaakyat? Ang Amazing diba? Wala eh, ganyan talaga ang love. HAHA. Minsan mapapaisip ka rin kung paano nabuo yung mga terms na yun sa love. Kung sino man ang nakaisip niyan malamang eh hindi siya naniniwala sa “Principle of Science.
Isa naman sa problema nating mga kababaihan, well isama na din natin yung ibang boys, eh yung sa tuwing aalis tayo o may pupuntahan, eh hindi tayo makapili ng susuotin nating damit na BAGAY sa atin. Problema yun promise. Kahit ako hirap eh. Pero sa LOVE? Tao ang poproblemahin mo. Iisipin mo kung bagay kayo. Kung magandang tingnan kapag makikita kayo ng ibang tao na magkasama. Standrads sa pagpili ng taong bagay sayo eh yung height mo at height ng taong mahal mo, sabi nila kung mas maliit daw ang babae at tall si guy, CUTE kayong tingnan.  Hindi din maaalis sa ibang babae yung pagpili ng mas matandang lalaki, well cute nga naman ding tingnan yun. Pero yung ibang lalaki, they prefer yung older girls. Like the mother thingy ang dating. Tapos yung iba pati size tinitingnan, kung payat ka, payat din ang hanap mo, like dapat magkamukha silang slim o kaya chubby. Meron pa na pati skin complexion eh sinusuri. Kung maitim pangit agad. Like hindi pwedeng black beauty muna? Well, kung love mo naman talaga ang isang tao kahit ano pa man ang itsura niya eh mamahalin mo yan. We must not judge a person based on their looks. We must consider what they’ve got inside. No, not what you’re thinking. Alam ko iniisip mo. HOHOHOHO. I mean yung ugali. Yung utak. Yung busilak na kalooban. At most importantly eh yung kung ano ka sa tuwing kasama mo. Yun naman ang mahalaga diba? It’s not the look the counts. Always remember that mga babes. :D
 Dati din tuwing naglalaro kayo, masaya kayo kapag madami kayong magkakalaro. “The more, the merrier” sabi nga nila. Masaya nga naman kasi yung makikita mong madami kayo, yun bang mahihirapan ang taya sa paghuli sa inyo dahil sa dami niyo. Pero sa usaping LOVE, iba na yan. Pag madami kayo, sakit freyyy. Laslas na. Bigti na freyy. Tanga kapag alam mo ng madami kayo eh sumisige ka pa. Like, nagbibilang siya ng karelasyon. Well, para sakin, “Having many girls does not make you gwapo. But rather makes you gago”. Eto pa, bakla din ang tingin ko sa mga ganun, bakit? Kasi look. Tayong mga babae kinokolekta niya at ginagawa niyang laruan? Like he was playing and collecting Barbie dolls. Am I right? Bad yun mga freyy, mapababae o lalaki man ang gumawa nun, kahit may dahilan ka pa o kahit saan angle mo tingnan, It’s a CRIME. HAHA.
Oh, ayan, nagmahal ka na, nasiyahan ka na, pinakilig ka niya sa mga cheesy niyang banat, ipinakilala mo pa sa parents mo, bumuo kayo ng maraming memories, sobrang attached ka na sa kanya at dumating na sa point na ikamamataymo pag nawala siya. (Like, oxygen baga ang peg ng mahal mo.) oh tapos ano? Niloko ka lang niya. Malalalaman mong hindi lang pala niya sayo ginagawa yung sweet stuffs na yun. Like, akala mo ikaw lang, alam mong “only ME” ka lang niya. Pero nagkamali ka “maraME” pala kayo. At ang masakit diyan, option ka lang. HAHAHA. Sakit diba? Laslas na. At dahil nasaktan ka, iiiyak mo na lang ang lahat para mailabas ang sakit. Pero hindi tulad ng dati na iiyak ka na parang kinakatay kang baboy para lang mapansin ka nila. Ngayon, pipilitin mo pa ring ngumiti kahit na sobrang sakit na, kahit nanggigilid na ang luha mo. Iiyak ka sa pinakatahimik na paraan. At sa pinakatagong lugar. Ayaw mo kasing malaman ng iba na dahil lang sa LOVE eh nasasaktan ka ng sobra at ngayon eh umiiyak ka pa. HAHA. Ayan. Hirap diba? Study muna kasi. Sunod na si LOVE pag ready ka na talagang masaktan at magpakamartyr. Dahil sa LOVE,  hindi mo lang matutunan maging PLASTIC sa nararamdaman mo, pati sarili mo matututunan mong lokohin. Ang hirap. Wala eh, ganyan si LOVE.
Nung mga bata pa tayo, tuwing nasusugatan tayo, nilalagyan yun ng alcohol ni Mommy para daw malinis yung sugat at mapabilis ang paggaling. Pero ngayon, bakit sa tuwing nasasaktan ka, umiinom ka ng alcohol? HAHA. Sobrang sakit ba? Nasa loob ba yung sakit? Mahuhugasan ba yung puso mo kapag ininom mo yung alcohol? Makakalimutan mo ba yung problema pag ganun? Maghihilom ba ang sugat na iniwan ng sawing pag ibig sa puso mo? Diba hindi rin naman? Medyo gagaan lang ang loob mo kasi kapag nalasing ka na, maikekwento mo ang lahat sa kahit sino pa man yan. Baka kahit sa hindi mo kakilala eh maisalaysay mo ang naunsyaming pagmamahal mo XDD Tama naman eh. Pero hinay hinay lang sa pag inom mga brad, baka kasi naiibsan nga ang sakit ng puso mo, nagdudusa naman sa epekto ng alcohol itong ATAY mo. Freyy lalong makalalala yan. Sawi ka na nga sa pag ibig, eh baka maawi ka pa niyan. HAHA. I’m not being mean. I’m jsut telling the truth. O hinay hinay lang ha. Drink moderately. O kaya kahit wag ng maglasing. Ikwento mo na lang. XD
Oh ano? Madami ka bang nalaman? Madami ka bang napansin?  Daming pagkakaibsa kapag nakilala mo si LOVE diba? Mga bagay na ni minsan nung bata ka eh hindi mo aakalaing magagawa mo. Ito lang masasabi ko, para sa mga di pa naiinlove, wag muna. Wait for the right age. I suggest 19. Pag Nineteendihan mo na lahat. XD Korniii. HAHA Sa mga nainlove na at nasawi, don’t worry, Maybe Busy pa si God sa pagsulat ng lovestory mo.  O kaya, He’s saving you for the right person. At sa mga kasalukuyang inlove, Goodluck sa inyo guys! Remember, effort effort din pag may time. XD Saka trust! :D
Ang daldal ko na diba? Alam ko naman eh, yung mga makakakita nitong post na to eh hindi tatapusin hanggang sa huli. Pero baka magsisi yung mga yun. HAHA. Pinageffortan ko kaya tong article na to. -.-“ Para sayo na nakarating hanggang sa parting to, binabati kita. Congrats. Madami ka naman natutunan diba? Nagenjoy ka naman magbasa diba? Comment kayo! :D Follow na din ha? Suggest din kayong topic o title. I wanna deal with some serious topic nga pala. XD I love you guys! :* :D